Questions
-
Maari ba ang maging “sang-ayon sa pagpili (pro-choice)” at maging Katoliko rin?
Marami sa kababaihan, lalo na sa mga nakaraang mga dekada, ay nasugatan sa pagpapalaglag. Upang maghilom ang pangdamdamin at pangkaluluwa dulot ng naging maling pasya na kitlin ang buhay ng kanyang hindi pa isinisilang na sanggol sa pagpapalaglag nito, ang isang babae ay kinakailangang unawain kung ano talaga ang pagpapalaglag, kung bakit ito ay mali, at kung ano ang dapat niyang gawin upang ayusin ang kanyang relasyon sa Diyos. Una, pag-isipang mabuti ang katotohanan na ang pagpapalaglag (anuman ang mga walang katuwirang dahilan na ginagamit ng makabagong media para pagaanin ang katotohanan kung ano talaga ang masasamang kahihinatnan) ay tunay na pagkitil sa buhay ng hindi pa naisisilang na anak. At ang nakakalungkot dito, ito ay isang uri ng pagpatay na ngayon ay pinapahintulutan ng batas. Kung kaya’t, hindi maaring maging Katoliko at maging pabor sa pagpapalaglag. Ang dalawa ay hindi magkaswato.
Ang Simbahang Katoliko ay nagtuturo na ang pagpatay ay laging mali. Ang Simbahang Katoliko ay nagtuturo na ang pagpatay ay laging mali. Ipinapaliwanag sa Katesismo: “Ang buhay ng tao ay kailangang igalang at ganap na ipagsanggalang mula sa sandali ng konsepto. Sa sandaling ipagbuntis ang bata, ang taong ito ay kailangang kilanling may mga karapatan sa buhay bilang tao – tulad ng hindi dapat pagkaitan ng karapatan na mabuhay ang mga inosenteng sanggol” (CCC2270). -
Ako ay nagpalaglag. Mapapatawad ba ako talaga?
Oo, ikaw ay mapapatawad. Ang Panginoon ay buong-pusong naghihintay sa iyo. Ang Bibliya ay nagpapaalaala na, malaki man o maliit ang ating mga kasalanan sa Diyos, ang biyaya ng Diyos ay higit na makapangyarihan kaysa ating mga kasalanan. Mahal Niya tayo ng mas higit pa sa ating pagmamahal sa ating mga sarili, at Siya ay laging handa at buong lugod na tinatanggap tayo at niyayakap tayo, kung handa tayo at gusto nating magbalik-loob sa Kanya na may matinding pagsisisi sa ating puso. Pag-isipan mong mabuti ang kagandahan ng pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang pagpapatawad na inilalahad sa Banal na Kasulatan:
“;Halikayo at tayo’y magpaliwanagan,’” sabi ng Panginoon. ‘Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo’y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak’” (Isaias 1:18).
“Ang PANGINOON ay mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit, at wagas ang pag-ibig. Banayad kung magalit, hindi Siya nagtatanim; yaong taglay Niyang galit, hindi Niya kinikimkim. Di katumbas ng pagsuway, kung Siya ay nagpaparusa, hindi tayo sinisingil bagama’t tayo’y may sala. Ang agwat ng lupa at langit, sukatin man ay hindi kaya, ganoon ang pag-ibig ng Diyos sa may takot sa Kanya; kung gaano kalayo ang silangan sa kaunluran, ganoon din Niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.”