ANG EUKARISTIYA AT ANG MISA

Ang himala ng pisikal na presensya sa atin ng Diyos sa atin sa bawat Misa ang pinakatunay na katibayan ng pag-ibig ni Kristo sa atin at ng Kanyang pagnanais na ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng personal na ugnayan sa Kanya.

MGA KATANUNGAN:

Bakit ang Simbahang Katoliko ay naniniwalang si Kristo ay tunay na naroon sa Eukaristiya?

Ang Katolikong doktrina ng Tunay na Presensya ay ang paniniwalang si Hesukristo ay ayon sa salita, hindi bilang sagisag, ay naroon sa Banal na Eukaristiya – katawan, dugo, kaluluwa at pagka-Diyos. Ang mga Katoliko ay naniniwala sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya dahil si Hesus ang nagsabi sa atin na ito’y totoo sa Bibliya: “Ako ang Tinapay ng Buhay. Ang inyong mga ama ay kumain ng mana sa ilang at sila’y namatay. Ito ang tinapay na nagbubuhat mula sa langit, na maaaring kanin ng tao at hindi mamamatay. Ako ang buhay na tinapay na bumaba mula sa langit; ang sinumang kakain ng tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na aking ibibigay para sa buhay ng mundo ay ang aking laman.” Ang mga Hudyo ay nagtalo-talo, na nagwika, “Paano ibibigay ng taong ito sa atin ang kanyang laman para kanin?” Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Tunay na tunay na sinasabi ko sa inyo, hanggat hindi ninyo kainin ang katawan ng Anak ng tao at inumin ang Kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyo; ang sinumang kumain ng aking laman at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagka’t ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang sinumang kumain ng aking laman at uminom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at Ako naman sa kanya.” (Juan 6:48-55). Bukod sa rito, ang unang mga Amang Simbahan ay sinasabing ang tinapay at alak na iniaalay sa pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon ay tunay na katawan at dugo ni Hesukristo. Sa ibang pananalita, ang doktrina ng Tunay na Presensya na pinaniniwalaan ng mga Katoliko ngayon ay siya ring paniniwala ng mga unang Kristiyano sa nakaraang 2,000 taon!

Ang himala ng pisikal na presensya sa atin ng Diyos sa atin sa bawat Misa ang pinakatunay na katibayan ng pag-ibig ni Kristo sa atin at ng Kanyang pagnanais na ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng personal na ugnayan sa Kanya.

Iba pang mga Kasulatan tungkol sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya:

• (Juan 6: 53-56 RSV) (53) Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. (54) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. (55) Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. (56) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya.”

• Sa salitang Aramaik na wika ng Ating Panginoon, parang sumasagisag na “kanin ang laman” o “inumin ang dugo” ng iba sa pakahulugang sila’y usigin o lapastanganin, tingnan ang mga sumusunod… (Awit 27:2 KJV) “(2) Kung buhay ko’y pagtangkaan ng taong masasama, sila’y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara.”

• (Isaias 9:18-20 RSV) “(18) Ang kasamaan ay naglalagablab na parang apoy at sumusunog sa mga tinik at dawag; tutupukin nito ang masukal na gubat at papailanlang ang makapal na usok. (19) Dahil sa poot ng Panginoon na Makapangyarihan sa lahat, susunugin ang kalupaan, at ang mga tao’y parang mga panggatong sa apoy; walang pagpapatawad ang sinuman sa kanyang kapwa. (20) Susunggaban nila ang nasa kanan, gayunma’y patuloy ang kanilang kagutuman, at kakainin nila ang nasa kaliwa ngunit’s hindi pa rin sila nasisiyahan; bawa’t isa’y kinakain ang laman ng kanyang kapwa,

• (Isaiah 49:26) “(26) Gagawin ko na ang mga umaapi sa inyo ay kanin ang sarili nilang laman, at sila’y malalasing sa kanilang sariling dugo na parang alak. Sa gayon makikilala ng sangkatauhan na ako ang Panginoon ang inyong Tagapagligtas, ang inyong Manunubos, ang Makapangyarihang Diyos ni Hakob.”

• (Micah 3:3 RSV) “(3) Kinakain ninyo ang kanilang laman, binabakbak ang kanilang balat, binabali ang mga buto, at tinatadtad na parang karneng iluluto.”

• (2 Sam 23:17 RSV) “(17) Sinabi niya, “Hindi ko ito kayang inumin, O PANGINOON! Para ko na ring iinumin ang dugo ng mga nagtaya ng kanilang buhay upang makuha ito.” Minsan pang nakilala ang tapang ng tatlong magigiting na kawal na ito sa ginawa nilang iyon.

• (Pahayag 17:6 RSV) “(6) At nakita kong ang babaing ito’y lasing sa dugo ng mga hinirang at ng mga martir, ang mga pinatay dahil kay Jesus.”

• (Pahayag 17:16 NIV) “(16) Ang sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwanan siyang hubad. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira.”

Kaya, kung si Hesus ay nagsasalita nang makasagisag lamang tungkol sa pagkain ng Kanyang katawan at pag-inom ng Kanyang dugo, tulad ng sinasabi ng mga Protestante,ang Kanya talagang ibig sabihin ay “ang sinumang umuusig at lumalapastangan sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan”- na, mangyari pa, nawawalan ng katuturan ang pahayag.

Ang tinapay at ang alak ay hindi pangkaraniwan o natural na simbolo ng laman at dugo. Kung tatawagin ang isang tao na “alamid” ay mauunawaang simbolo para sa katalinuhan. Kung tatawagin ang isang tao na “tinapay” ay hindi mauunawaang simbolo, kung walang pagpapaliwanag. Alinman sa ang mga simbolo ay mas malinaw na naipaliwanag (na hindi naman nangyari) o naghayag si Hesus ayon sa salita (na siyang nangyari!)

Hango sa Beginning Apologetics, How to Explain and Defend the Catholic Faith, ng San Juan Catholic Seminars, P.O. Box 5253, Farmington, NM 87499-52539889
Bakit ang mga hindi Katoliko ay hindi maaaring tumanggap ng Banal na Komunyon sa Simbahang Katoliko?

Ang mga Katoliko ay naniniwala sa Tunay na Presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,na ang ibig sabihin ay ang nakikitang tinapay at alak ay tunay na Katawan at Dugo ni Hesus – hindi lamang isang sagisag ng Kanyang Katawan ang Dugo. Tuwing ang mga Katoliko ay tumatanggap ng Banal na Komunyon, ito ay pagpapahayag ng pagkaka-isa sa lahat ng naroon sa komunyon sa Simbahang Katoliko sa buong mundo, na patuloy sa paniniwala sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya. Kayat ang mga mananampalataya lamang sa Tunay na Presensya ang maaaring makilahok sa sakramentong ito ng pakikiisa kay Kristo at ng Kanyang Simbahan. “Ang pagdiriwang ng sakripisyong Eukaristiya ay pawang nakatuon sa taimtim na kaisahan ng mga mananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng komunyon” (CCC 1382).

Ang Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) ay naghahayag nang kanilang pagnanais para sa pagkakaisa:

“… Tayo ay mga taong pinagkaisa kay Kristo at sa bawa’t isa dahil sa Eukaristiya. Sa ganitong kadahilanan kaya itinuturo sa atin sa Katesismo na “ang Eukaristiya ang pinakamabisang sagisag at pinakadakilang dahilan ng pagkomunyon sa buhay na nauukol sa Diyos at ang pagkakaisa ng Bayan ng Diyos na nagpapanatili sa Simbahan” (CCC 1325).
Bakit ang mga Protestante ay hindi naniniwala sa Juan 6 na nagsasaad na ang Katawan ni Hesus ay tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ay tunay na inumin?

Sa Mateo 26, Markus 14, at Lukas 22, sinasabi ni Hesus ang tungkol sa tinapay, “Ito ang Aking Katawan.” Sinasabi Niya ang tungko sa alak, “Ito ang Aking Dugo.” Hindi Niya sinabing “ito ay sagisag ng,” o “ito ay kumakatawan sa”. Sinasabi Niya, “ito AY.” Sa Juan 6, inulit Niyang sinasabi, tulad ng ginagawa Niya sa iba pang bahagi ng Banal na Kasulatan, upang bigyang diin ang pahayag na inaasahan Niya sa atin para kainin ang Kanyang Laman at inumin ang Kanyang Dugo and ang Kanyang laman ay tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ay tunay na inumin. May iba pang mga pahayag na tumuturo sa kahulugang naaayon sa salita na ibig ipahiwatig ni Kristo dito. Pahayag #1: Ang mga Hudyo ay binigyang kahulugan na naaayon sa salita sa talata 52. Pahayag #2: Ang Kanyang mga disipulo ay binigyang kahulugan na naayon sa salita sa talata 60. Pahayag #3: Ang mga Apostoles ay pinakahulugan Siya ng naayon sa salita sa mga talata 67-69. Kung bawat isa na nadinig Siyang magsalita noong panahong iyon ay pinagkahulugan Siya ng naayon sa salita, lahat tayo ngayon, 2000 mga taon na ang nakaraan, ay tinatawagan na pakahulugan Siya ng naayon sa salita, sangayon sa Banal na Kasulatan. Bukod doon, sa talata 51, ipinahahayag ni Hesus na ang tinapay na ibibigay Niya para sa buhay ng mundo ay ang Kanyang Laman. Kailan Niya ibinigay ang Kanyang Laman para sa buhay ng mundo? Sa Krus. Batid natin na si Hesus ay hindi nagsasalita ng ukol sa sagisag dito. Dahil sa pinaninindigan natin na si Hesus ay naghayag ng ayon sa salita tungkol sa kamatayan Niya sa Krus, pininindigan din natin na pinatotohanan Niya ang Kanyang sinabi tungkol sa pagkain ng Kanyang Laman at pag-inom ng Kanyang Dugo.

Kung naniniwala tayo na si Hesus ay nagsasalita bilang sagisag dito sa Juan 6, matatagpuan natin ang tunay na suliranin pagdating sa Juan 6:51. Ibinigay ba ni Hesus ang Kanyang tunay na laman at dugo para sa buhay ng mundo, o ang mga ito ay sagisag lamang ng Kanyang laman at dugo?
Ang Katolikong Misa ba ay tunay na pareho pareho sa buong mundo tuwing ito ay ipinagdiriwang?

Oo! Saanman o kailanman, tuwing pupunta ka sa Misa, alam mo na kung ano ang iyong matatanggap.

Si Hesukristo ang nagdaos ng unang Misa kasama ang Kanyang mga disipulo sa Huling Hapunan, noong gabing bago Siya namatay. Iniutos Niya sa Kanyang mga disipulo, “Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa Akin” (Lukas 22:19). Ang pagdaraos ng Misa ang naging pangunahing uri ng pagsamba nang naunang Simbahan, bilang pagsasagawang muli ng Huling Hapunan, na iniutos ni Kristo.

Mula noon, ang bawat Misa ay ang pagdiriwang ng pagpapakasakit ni Hesus sa Krus sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya. Sapagkat ang Misa ay muling pagpapakita (ginagawang pagpapakita) ng pagpapakasakit sa Kalbaryo, ang mga Katoliko sa buong mundo ay nagsasama-sama sa pagpapakita sa panghabang panahong pagpapakasakit ni Kristo para sa ating mga kasalanan. May isang bagay na nakabibihag tungkol sa patuloy na pagdiriwang ng magkahalintulad na Misa – na itinatag ni Kristo at ginawa ng naunang Simbahan – kasama ng buong komunidad ng mga Katoliko sa buong mundo … at sa kalangitan.
Kinaiinipan ko ang Misa. Paano ko magagawan ng paraan iyon?

Una-una, maraming mga bagay ang parang kinaiinipan natin kung hindi natin pinagkaabalahan na matutuhan ang mga iyon. Halimbawa, mag-isip ka ng palaro na noon ay parang kinaiinipan at kinalilituhan mo hanggang sa matutuhan mo ang mga batas ng palaro. Tapos, lahat ay naging mas kasigla-sigla. Bakit? Dahil naiintindihan mo na, at ang pagsali ay naging mas makabuluhan. Habang inuunawa natin ang tungkol sa Misa, mas lalo nating iibigin ito and mas marami tayong mapapala sa karanasan natin sa Misa. Kung matutuhan mo ang pinag-ugatan sa Bibliya nang iba’t ibang bahagi ng Misa, kung bakit natin ginagawa ang ating mga ginagawa (pag-upo, pagtayo, pagluhod, pag-aantanda sa ating sarili, paggamit ng banal na tubig, atbp.), at ang kahalagahan ng Eukaristiya sa ating mga buhay, magsisimula kang kasabikan ang pagsali sa lahat nang mga ito tuwing pupunta ka sa Misa dahil nauunawaan mo na. Also, practicing your faith is like practicing a sport. Bukod dito, ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya ay katulad din ng pagsasanay sa palaro. Kung minsan, ang pagsabuhay ay mahirap, ngunit kailangan nating tandaan na ang pagsasanay ay nagtuturo tungo sa isang adhikain – ang palaro. Sa bawat Misa, tayo ay nagsasanay sa kung papaano tayo sasamba sa Diyos sa langit, na magdudulot sa atin ng puspos na kagalakan at walang kainipan. Simulang gamitin ang Misa bilang isang oportunidad para magsanay sa pananalangin, magsanay sa pakikipag-usap sa Diyos, magsanay na matutuhan ang kwento sa Bibliya sa mga Pagbasa, atbp., upang hindi ka na makaramdam ng pagkainip o pagkalito.

MAGHANAP NG PAROKYA NA BABALIKAN.

Kailangan ng gabay sa paghanap ng parokyang malapit sa inyo?

HANAPIN NGAYON