Your Questions

Magiliw na pagsalubong sa bahaging ito ng Simbahang Pangaral ng Baliktahanang Katoliko. Dito bibigyan ka namin ng kasagutan sa iyong mga katanungan tungkol sa Katolisisimo at ng mga kagamitan na makakatulong mo sa iyong pagtuklas sa magaganda at walang kupas na mga pangaral ng Simbahang Katoliko.

Ang Simbahang Katoliko ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng katotohanan mula nang ito’y itatag ni Kristo 2,000 taon na ang nakaraan. Minsang sinabi ng yumaong Arsobispo Fulton Sheen, “Madaling hanapin ang katotohanan; mahirap itong harapin, at higit na mahirap na ito’y sundin.” Ipanalangin mo na si Kristo ang manguna sa iyo sa paghahanap sa katotohanan, at ang iyong puso ay maging bukas sa katotohanan saan mo man ito matagpuan.

Sa loob ng bawa’t paksa, matatagpuan mo ang mga pangkaraniwang katanungan ng mga Katoliko at mga hindi Katoliko tungkol sa ilang paniniwalang Katoliko. Matapos mong basahin ang aming mga paliwanag, magbigay ka ng panahon sa mas marami pang kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng maraming pagu-ugnay na aming inilaan sa bawa’t bahagi.

HANAPIN ANG MGA KASAGUTAN SA IYONG MGA PAGTUTOL AT MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA:

ANG EUKARISTIYA AT ANG MISA
ANG SIMBAHAN AT ANG PAGKAPAPA
SI MARIA AT ANG MGA SANTO
ANG PAGKAPARI
ANG BANAL NA KASULATAN AT ANG TRADISYON
MGA SAKRAMENTO
ANG KATAPUSAN NG MUNDO AT ANG HULING MGA BAGAY
ANG MATUWID NA MGA KAUGALIAN

Ako ay pupunta sa Simbahang Katoliko nang may katiwasayan at katatagan, sapagka’t kung ang pananampalataya ay napakahalaga para sa ating kaligtasan, hahanapin ko kung saan nagsimula ang tunay na pananampalaya, at hahanapin ko ito sa mga tumanggap nito mula sa Diyos mismo.
Santa Elizabeth Ann Seaton

Para sa iba pang mga Katolikong Katanungan ag Kasagutan: Mga Dalawang Minutong Kasagutan sa Iyong Mga Katolikong Katanungan

MAGHANAP NG PAROKYA NA BABALIKAN.

Kailangan ng gabay sa paghanap ng parokyang malapit sa inyo?

HANAPIN NGAYON