EPIKO
Ang patalastas na ito ay tumutumbok sa kasaysayan, kagandahan, sa pagiging pangkaluluwa at sa mga katuparan ng Simbahang Katoliko sa mahigit na 2,000-taong kasaysayan. Ipinakikita dito kung papaanong ang pagiging sandaigdigan ng Simbahan ay nilalangkap ng lahat ng mga lahi, kapanahunan, kultura at katayuan sa panlipunang-pangkabuhayan.
Epiko :60
Epiko :30
SINE
Itong nanganganinag na “Pelikula ng Iyong Buhay” na palatastas ay nagpapakita ng malungkot na pag-aninag sa masasamang mga panahon sa ating buhay, at ang masasayang pagbabalik alaala ng maliligayang mga panahon. Salamat naman, tayo ay napapaalalahanan na si Hesus ay nagkatawang tao hindi upang husgahan ang mundo kundi upang iligtas ito! Ang patalastas na ito ay nagtuturo sa atin na hindi pa huli ang lahat para humingi ng kapatawaran sa Diyos at tanggapin ang Kanyang Awa.
SINE :30
TAHANAN
Ang patalastas na ito ay naglalarawan ng kapayapaan at kaginhawahan, pagpapagaling at awa, pag-asa at pananampalataya na nagmumula kay Hesus at sa Kanyang Simbahang Katoliko. Ang mga nananabik sa mapayapang tahanan ay hinihikayat na sumanib sa ating Katolikong Pamilya na itinatag ni Hesus.