ANYAYAHAN ANG IBA NA MAGBALIKTAHANAN SA SIMBAHANG KATOLIKO.

Utang na loob namin na maging Katoliko at maligaya kami na ikaw rin. Napakaraming dahilan para mahalin si Hesus at ang Kanyang Simbahang Katoliko, at napakahalaga na ibahagi natin sa iba itong mabuting balita.

Simula sa pagkakatatag, ang Baliktahanang Katoliko ay nakatulong sa higit sa 500,000 mga tao na magbaliktahanan sa Simbahan sa pagkilos ng Espiritu Santo at sa pagtutulungan ng mga sumusuportang mga Katoliko na naghahangad na mag-anyaya sa iba upang magbaliktahanan.

Ipinasusulyap ni Hesus sa atin ang gantimpala para sa ating katapatan sa Kanya sa pagpapalaganap nang Ebanghelyo nang sinabi Niya sa Banal na Kasulatan, “Halika, ikaw na pinagpala ng Aking Ama, ipamamana sa iyo ang kahariang inihanda para sa iyo mula sa pagkakatatag ng mundo …” (Mateo 25:34). Ang Diyos ay tumatawag sa atin upang pangalagaan ang mga pangangailangang pangkatawan ng ating mga kapatid, pati na ang kanilang mga pangangailangang pangkaluluwa. Ang mga tao ay nagugutom at nauuhaw sa katotohanan … kung hindi natin dadalhin ito sa kanila, sino ang magdadala?

MARAMING MGA PAMILYA ANG HINDI SUMISIMBA LINGGO-LINGGO. TULUNGAN SILANG MAGBALIK!

Ang mga kaloob ng walang hanggang pagmamahal ng Diyos at ng Simbahang ibinigay Niya upang tayo ay gabayan patungo sa langit ay nakalaan para sa lahat. Nasa atin ang pakikibahagi sa mundo ng mga kaloob na ito, simula sa ating mga mahal sa buhay at sa iba pa sa ating sariling komunidad. Maaring may kakilala ka – o marahil marami pa – na umalis na sa Simbahang Katoliko. Kadalasan, ang hinihintay lamang nila ay may mag-anyaya sa kanila na magbaliktahanan, isang paanyaya sa kanila mula sa mga karaniwang alagad ni Hesukristo, tulad mo at tulad ko.

PAANO KO MATUTULUNGAN ANG AKING MGA MAHAL SA BUHAY NA MAGBALIK SA SIMBAHANG KATOLIKO?

Napakasakit sa kalooban kung may mahal sa buhay na humiwalay sa pananampalataya. Subali’t maraming mga santo at iba pang mga banal ang nakadama din ng ganoong sakit. Ang Banal na Espiritu ang nagdulot sa kanila ng karunungan para ipaabot ang katotohanan ng pananampalatayang Katoliko, sa magalang, kahali-halina, at mabisang paraan. May mga yaman ng kaalaman na makakatulong sa iyong pagpapalaganap batay sa karunungan ng mga banal. Ang karunungang ito ang magpapabago sa mga negatibong pagpapalagay sa Simbahang Katoliko o makakatulong sa pag-akay sa sinuman mula sa kawalang bahala tungo sa liwanag ng katotohanan.Magdasal, magdasal, magdasal para sa mga kaluluwang napalayo, at ibahagi mo ang iyong pananampalataya “nang may kahinahunan at paggalang” (1 Pedro 3:15) sa mga kakilala mo, sa pamamagitan ng iyong pangsariling pagtestigo, sa pag-anyaya sa Misa, o sa paghahandog ng dakilang Aklat Katoliko o CD. Alalahanin mong ang kagustuhan ng Diyos na ang iyong mga mahal sa buhay ay magbaliktahanan ay mas lalong higit kaysa iyo. Manatiling magtiwala sa Kanyang pag-ibig sa kanila at sa Banal na Espiritu para gabayan ka upang mapaglingkuran mo sila sa sukdulan ng iyong kakayahan.

PAPAANO KO MADADALA ANG PAGPAPALAGANAP NG BALIKTAHANG KATOLIKO SA AKING PAROKYA O DIYOSESES?

sa Baliktahanang Katoliko, ang ating hangarin ay mag-anyaya sa maraming mga kaluluwa na magbalik sa Simbahang Katoliko hangga’t maari, at hindi namin magagawa ito kung wala ang iyong pagtulong. Ibig naming makituwang ang iyong dioseses upang maihayag ang Baliktahanang Katoliko sa pagpapalaganap sa iyong purok o tumulong sa pagbibigay sa iyong parokya ng mahalagang mga kagamitan sa pagpapalaganap.Hayaan mo kaming makatulong na isalang ang iyong komunidad sa maalab na pagmamahal kay Hesus at sa kaisaisa, banal, katoliko, at ukol sa mga apostol na simbahang ipinagkaloob Niya sa atin, sa pamamagitan ng maraming matataas na uri at madaling gamiting mga yaman ng kaalaman na mayroon dito para sa iyong Diosesis o Parokya.

Abangan ang Teleserye ng Baliktahanang Katoliko upang mapakinggan ang makapangyarihang mga pagsasalaysay ng mga taong nagbaliktahanan at alamin kung paano magpalaganap!

MAGHANAP NG PAROKYA NA BABALIKAN.

Kailangan ng gabay sa paghanap ng parokyang malapit sa inyo?

HANAPIN NGAYON