TUKLASIN ANG KAHULUGAN AT LAYUNIN SA TULONG NI HESUKRISTO AT NANG KANYANG SIMBAHAN.

Ang ating paniniwala sa Diyos ay hindi lamang isang emosyon, o damdaming pangrelihiyon – ito ay ang sariling paniniwalang nagtumibay sa tuwid at katwiran na nauunawaan ng bilyong mga tao sa buong mundo na nagnanais na ipalaganap ang mabuting balita ni Hesukristo.

Mahigit na 2,000 taon na ang nakalipas nang ipinadala ng Diyos and Kanyang kaisaisahang Anak, si Hesukristo, upang mamatay para sa ating mga kasalanan upang tayong lahat ay magkamit ng buhay na walang hanggan. Hinatulang mamatay sa krus, si Hesus ay nagtagumpay laban sa kamatayan at nabuhay na mag-uli, kaya’t naitatag ang samahan ng mga alagad ni Kristo na bumubuo ng Simbahan. Kay Hesus natin natutuklasan ang buhay na malaya sa kasalanan at nabubuksan ang ating mga puso sa pagmamahal, sa habag at sa tunay na kagandahan ng sangkatauhan.

Ang aming panalangin ay sana’y matagpuan mo rin ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng lokal na samahan ng mga mananampalataya.

SI HESUS AY PUMARITO UPANG ILIGTAS AND MUNDO, HINDI PARA HATULAN ITO.

May mga bagay na hinahangad natin sa ating buhay – kaligayahan, pagmamahal, katotohanan, kabutihan, kagandahan, at kagalingan. Hinahamon namin ikaw upang pag-isipan ang posibilidad na mararanasan mo ang mga ito nang lubusan bilang alagad ni Hesukristo sa Simbahang Katoliko na Kanyang itinatag. Ang Diyos ay totoo, at ibig Nyang punan ang iyong puso ng pangmatagalang kapayapaan. Ang katotohanan niyan ay tayong lahat ay may iba’t ibang pagdurusa, nguni’t anuman ang iyong pinagmulan o anuman ang iyong nagawa, mayroon kang pagkakataong mamuhay ng buhay na makahulugan na iyong hinahanap at para tanggapin ka ng Diyos na lubusang nagmamahal sa iyo.

ANONG MAIDUDULOT ANG PAGKAKAROON NG DIYOS AT ANG PAGMAMAHAL NI HESUS SA ATING BUHAY?

Ang katotohanan na ang Diyos ay tunay at si Hesus, ang Anak ng Diyos na nagkatawang Tao, ay nabuhay na mag-uli ang siyang nagbibigay ng lubos na kaibahan. Ang Diyos ba ay totoo or hindi? Si Hesukristo ba ay nabuhay na mag-uli o hindi? Ito ang mga mahahalagang katanungan na makakapagpabago sa takbo ng ating mga buhay. Kung nais mong umayon sa katunayan at sa katotohanan, ang pagsagot sa mga katanungang ito ay lubusang mahalaga, at masisimulan mo ang pagtuklas sa mg kasagutan dito. Ang Diyos ang sagot sa puwang na umiiral sa puso ng tao, sa pinananabikang “mas higit pa”. Hanapin Siya, at matatagpuan mo ang kahulugan at layunin nang iyong buhay na iyong hinanahanap.

Bakit hindi MAAaRiNG ako AY mamuhay SA pangkaluluwa lamang, AT hindi sa pang-relihiyon?

Kung maniniwala ka kay Hesus at sa Salita ng Diyos, matatagpuan mo sa Banal na Kasulatan na si Hesukristo ang nagsimula ng relihiyon (Mateo 4:9, Marcos 5:6, Lucas 4:8, Juan 4:23) at nagtatag ng makapangyarihan at litaw na Simbahan na may sumasambang komunidad (Mateo 16:18, Mateo 18:15-17, Ebreo 10:25). Mismong ang Bibliya ang nagpapaliwanag na ang pagbabasa at ang pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan ay hindi itinatagubilin (Gawa 8:27-31, 2 Pedro 1:20, 2 Pedro 3:15-16). Si Hesus ay hindi nagnais na ang ating pamumuhay na pangkaluluwa ay hiwalay sa mga may kapangyarihang mamuno. Kumapit kang mabuti sa Simbahang ipinagkaloob Niya sa atin, at matatagpuan mo ang katotohanan taglay ang kagandahan at kalinawan.

MAGHANAP NG PAROKYA NA BABALIKAN.

Kailangan ng gabay sa paghanap ng parokyang malapit sa inyo?

HANAPIN NGAYON