TUKLASIN ANG MAGANDANG PANANAMPALATAYA SA SIMBAHANG KATOLIKO.

Minsan ay naisulat ni G.K. Chesterton, “Mahirap ipaliwanag ‘kung bakit ako ay Katoliko’ sapagka’t may sampung libong dahilan na lahat ay nagsasaad sa isang kadahilanan: na ang Katolisismo ay tunay.” May 2,000 taon na ang nakaraan nang itinatag ni Hesukristo ang Simbahang Katoliko upang mapangalagaan ang katotohanang ibinigay Niya sa atin na nagpasalin-salin sa napakaraming taon, tumutulong sa mga tao sa buong mundo na matagpuan ang pag-ibig ng Diyos sa bawa’t panahon at sa lahat ng sulok ng mundo.

Sa paglipas ng mga taon, maraming hindi mabilang na mga katanungan at pagsalungat ang ipinahahayag laban sa mga pangaral at pamamaraan ng Simbahang Katoliko. Naroon ang mga kasagutan at mahalagang pag-ukulan mo ng panahon na tuklasin ang mga ito. Minsang naisaad ni Venerable Arsobishop Fulton Sheen,
“Wala pang 100 mga tao sa bansang ito ang namumuhi sa Simbahang Katoliko, subalit milyong-milyon ang namumuhi dahil sa kanilang lihis na kaisipan sa Simbahang Katoliko.”

Nais ng ating Panginoon na alamin nating lahat at unawain ang Kanyang Katotohanan upang taos puso nating yakapin at isabuhay. Pinaaalalahanan tayo ni Kristo, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.” (Juan 8:32)

Damhin ang kapayapaan na sa Diyos lamang nagmumula sa Simbahan, na ating Tahanan.

Ang salitang “Katoliko” ay nanganghulugang pandaigdigan, at iyon talaga ang Simbahang Katoliko – isang pandaigdigang katawan ng mga nananampalataya, nagkakaisa kay Hesukristo, ating Panginoon at Tagapagligtas. Ang ating pamilyang Katoliko ay binubuo ng iba’t ibang lahi, edad, at katayuan sa buhay. Sa maraming taon, ang Simbahang Katoliko ang lugar na pinagkukunan ng paniniwalang Kristiyano, ng taimtim na pakikipagtagpo kay Hesukristo, ng magiliw na pamilyang tumatanggap, at ang ilaw na gumagabay patungo sa kalangitan.

BAKIT MAKABULUHAN KUNG SAANG SIMBAHAN AKO KAANIB? SA IBANG SALITA, PAANO NAIIBA ANG SIMBAHANG KATOLIKO?

Ang Simbahang Katoliko ay hindi lang isang denominasyon sa karamihan. Sa katunayan, ito lang ang tanging pananampalataya na ang pagkakatatag ay nag-uugat kay Hesukristo, na Siyang nagsimula ng ating Simbahan. Sa 2,000 mga taon, ang Simbahang Katoliko ang nagsanggalang sa katotohanan na itinuro ni Hesus, makabago man o makalumang estilo. Sa Simbahan ngayon, iyong mararanasan ang mas personal na relasyon kay Kristo sa pamamagitan ng Banal na Pakikinabang, ang Katawan at Dugo ni Kristo na kaloob sa atin. Mula ng ito’y itatag, ang Simbahang Katoliko ay nananatiling pinakamalaking samahan ng mga Kristiyano sa mundo. Hindi man ito ganap, gayundin ang kanyang mga kasapi, ang Simbahan ay patuloy na naglalaman ng kabuoan ng katotohanan, na ipinangako ni Hesus na magbibigay kalayaan sa atin.

ANG MGA PANINIWALA NG KATOLIKO PANINIWALA AY NAG-UUGAT MULA SA BIBLIYA?

Hindi lamang na ang mga Katolikong pangangaral ay nag-uugat mula sa Bibliya, ang Simbahang Katoliko, na binigyan ng kapahintulutan ni Hesukristo at sa patnubay ng Banal na Espiritu, ang bumuo ng Bibliya sa kanyang kasalukuyang kaanyuan. Ang Simbahang Katoliko ay may iisang tuntunin ng pananampalataya ang buong Salita ng Diyos na nasa Banal na Salita at Banal na Tradisyon. Mahalagang tandaan na lahat ng Salita ng Diyos ay nangyari (pagkatapos mamatay si Kristo at bago nilikha ang Bibliya) at nagpasalin-salin sa sa pagbigkas sa pamamagitan ng Banal na Tradisyon. Lahat nang paniniwalang Katoliko ay nag-uugat sa Salita ng Diyos – na nahayag sa Banal na Salita at Tradisyon at pinangalagaan ng Simbahan.

MAGHANAP NG PAROKYA NA BABALIKAN.

Kailangan ng gabay sa paghanap ng parokyang malapit sa inyo?

HANAPIN NGAYON