GANAP NA PANGANGAHULUGAN
Isang ganap na pangangahulugan na ang ating Maykapal, na Siyang lumikha sa atin at hinubog tayo na gumawa sa tanging paraan, ang Siyang nakakaalam kung ano ang higit na makakabuti para atin. Mapapalad tayo sapagkat ipinagkalooban Niya tayo ng Simbahan at mga payo kung papaano mamuhay sa paraang magiging malaya at maligaya tayo. Sa pagbibigay sa atin ng mga alituntunin, binigyan tayo ni Kristo ng abilidad na maging malaya laban sa mga negatibong idudulot ng imoralidad at kasiphayuan, sapagka’t ang tunay na kalayaan ay nagpapahintulot sa atin na mamuhay ng ganap. Ang Simbahan ay hindi namimilit sa kahit sinupaman na paniwalaan ang kanyang mga itinuturo. Ang pananampalataya mismo ay kailangang maging malaya (CCC160). Bilang tulong sa paggabay sa atin upang ang piliin natin ay kung anong higit na makabubuti sa ating sarili, na naaayon sa plano Niya sa paglikha sa atin, ibinigay Niya sa atin ang Simbahan at ang lahat nang kanyang itinuturo tungkol sa matuwid na kaugalian.
Sa bahaging ito, matutuklasan mo ang maraming mga mahahalagang kaalaman na nagpapaliwanag tungkol sa mga itinuturo ng Simbahang Katoliko sa mga bagay ng etika at moralidad. Pag-isipan mong mabuti ang mga makatuwiran at magagandang katotohanang matutuklasan sa mga turo nang Simbahan na nauukol sa mga magagandang kapakanang moral sa ating kultura.
Pagwawakas sa Buhay ng Nahahapis na Matatanda o ng may Malubhang Karamdaman (“Euthanasia”)
ANG PAGPIGIL SA PAGDADALANTAO (“CONTRACEPTION”) AT MGA DROGA UPANG PIGILIN ANG KAKAYAHANG MAGKA-ANAK (“FERTILITY DRUGS”)
HOMOSEKSWALIDAD
PAGSASALIKSIK SA STEM CELL AT CLONING
PORNOGRAPHY