Hindi mangyayari iyon. Ang “Paglaho (Rapture)” ay tumutukoy sa isang talata sa 1 Tesalonica, kabanata 4, na pinaguusapan ang tungkol sa mga Kristiyano na “maglalaho” sa alapaap para salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Maraming mga Kristiyano ang naniniwala, katulad nang pinalalaganap nang aklat na “Naiwanan (Left Behind)” na ang “paglaho” para salubungin ang Panginoon ay mangyayari bago ang Malaking Kapighatian na darating sa nalalapit na panahon sa hinaharap. Ang mga Kristiyano ay basta maglalaho, sasalubungin si Hesus sa himpapawid, at pagkatapos ay babalik kasama Siya sa Langit para hintayin ang katapusan ng mundo. Ngunit sinasabi ni Pablo sa talata 17 na “… tayo na mga buhay pa at natitira,” ay maglalaho. Tandaan na … ang mga “matitira” ay maglalaho para salubungin ang Panginoon.
Ang mga aklat “Naiwanan (Left Behind)” ay hango sa talata ni Lucas 17 at may natutulad na talata ito sa Mateo 24 na nagsasabing ang pagdating ng Panginoon ay tulad sa noong panahon ni Noe at ni Lot. Ganito ang pagkakasabi sa Mateo 24: “Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao’y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa pumasok si Noe sa barko. Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang manyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtratrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. May dalawang babaing nagtratrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iwwan ang ikalawa.”
“Tingnan mo,” ang sabi ng mga tumataguyod sa Paglaho, “Kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa … and Paglaho! Kukunin ni Hesus ang mga Kristiyano at iiwan ang hindi Kristiyano!” Dalawang suliranin na may ganoong pagpapakahulugan: Una, ang pagdating ni Hesus ay inihahalintulad sa panahon ni Noe at ni Lot. Makalipas ang baha, sino ang naiwan? Si Noe at ang kanyang pamilya … ang mabubuting mga tao … ang masasama ay kinuha! Matapos masunog ang Sodom at Gomorrah, sinong naiwan? Si Lot at ang kanyang mga anak na babae … ang mabubuting mga tao … ang masasamang mga tao ay kinuha! Pangalawa, natatandaan mo ang 1 Tesalonica? Sinasabi na ang mga “naiwan” ay matatagpuan si Hesus sa himpapawid. Ang mabubuting mga tao ay naiwan para salubungin si Hesus.
Sa ibang salita, ibig mong magpaiwan para ikaw ay maglaho sa alapaap at salubungin si Hesus sa himpapawid at samahan Siya sa pagbalik dito sa lupa sa Kanyang pangalawa at huling pagbabalik. Walang Paglaho na tulad ng na ipinahahayag nang mga aklat ng Naiwanan (Left Behind) … ang pananaw na iyon ay hindi ayon sa Banal na Kasulatan.
12-rapture.mp3