ANG SIMBAHAN AT ANG PAGKAPAPA

Ang Simbahang Katoliko ang tanging simbahan ngayon na umaangkin na siyang kaisaisahang simbahan na itinatag ni Hesukristo may 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang ibang mga denominasyon ay nagbabakas nang kanilang simulain sa mga taong nagtatag ng kani-kanilang denominasyon sa mas nahuhuli pang araw sa kasaysayan.

Mga Katanungan

Bakit ang mga Katoliko ay naniniwala na ang Simbahang Katoliko ang tanging tunay sa Simbahan, na itinatag ni Hesukristo mismo nang may 2,000 taon na ang nakakaraan?

Ang Simbahang Katoliko ang tanging simbahan ngayon na umaangkin na siyang tanging simbahan na itinatag ni Hesukristo 2,000 taon na and nakakaraan. Ang ibang mga denominasyon ay nagbabakas nang kanilang simulain sa mga taong nagtatag ng kani-kanilang denominasyon sa mas nahuhuli pang araw sa kasaysayan.

In Sa Mateo 16-18, Sinabi ni Hesus kay Pedro, “At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay si Pedro, at sa batong ito, itatayo ko ang Aking Simbahan, at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi makapananaig dito,” JIpinagkaloob ni Hesus kay Pedro at sa mga apostoles ang kapangyarihan na gabayan ang Simbahan sa Ngalan Niya, at ipagpatuloy sa mga susunod na mga siglo. (Ang Simbahan ang Katawan ni Kristo (Efeso 5:23).). Si Kristo ay nagtatag ng isang Simbahan lamang – isang katawan – para wala ng maraming “katawan” na may nagsasalungatang mga doktrina. Hindi maaaring salungatin ng Diyos ang Kanyang Sarili. Nais din ni Kristo na ang Kanyang Simbahan ay litaw, upang makita ng lahat na ang Simbahan ay tunay na iisa, gaya ng pagiging iisa ni Kristo at nang Ama. (Juan 17:22).

Itong iisang, litaw na Simbahan, na may kapahintulutang nauukol sa Diyos at matatag na doktrina, na itinatag ni Kristo 2,000 taon na ang nakalipas, ay ang Simbahang Katoliko, ang haligi at pundasyon ng katotohanan. (1 Timoteo 3:15). Sa pagtatanong ni Paolo sa 1 Corinto, “ Si Kristo ba ay pinaghati-hati?” (1 Corinthians 1:13). Hindi. Hindi iyon ang hinangad ni Kristo. Kayat, itinatag Niya ang isang Simbahan.

Saan kinukuha ng Santo Papa ang kanyang kapahintulutang mamuno ng Simbahan sa lupa? Ano ang pinaniniwalaan ng mga Katoliko tungkol sa ‘paghahalili ng mga apostoles’?

Again, Muli, sa Mateo 16:18 ang susi sa pag-unawa sa hangarin ni Kristo na ilipat ang kapahintulutang mamuno ng Simbahan kay Pedro at sa mga apostoles. Sinabi ni Kristo kay Pedro na siya ang bato na kung saan itatayo Niya ang Kanyang Simbahan. Kung ginagamit ng mga Katoliko ang mga salitang paghahalili ng mga apostoles, ang tinutukoy nila ay ang linya ng mga obispo na nagmumulang mismo sa mga apostoles – kay Pedro – ang unang Santo Papa. Ang apostoladong tradisyon (ang tunay na mga aral ng mga apostoles) ay ipinamana mula kay Kristo tungo sa mga apostoles, at mula sa kanila tungo sa kanilang mga kahalili. Ang walang patid na linya nang ng mga papa (mga Obispo ng Roma) at ng iba pang mga obispo ang gumagabay sa Simbahan sa mahigit 2,000 taon na, na siyang talagang ibig mangyari ni Kristo (Mateo 28: 19-20). Ipinadala ni Kristo ang Kanyang mga apostoles sa mundo ng may kapahintulutang magturo at magpagaling (Lukas 9:1-2) at magpatawad ng mga kasalanan (Juan 20:23). Itong kapahintulang mula sa Diyos ay patuloy na ginagamit ng mga obispo sa loob ng Simbahang Katoliko hanggang sa araw na ito.
Anong ibig sabihin ng hindi pagkakamali ng Santo Papa?

Nang itinatag ni Kristo ang litaw na Simbahan, naglaan din Siya ng litaw na taong gagabay sa Simbahan- ang Santo Papa. Dahil ang Santo Papa ang gumagabay at nagtuturo sa Ngalan ni Kristo, ang kanyang pagtuturo ay hindi dapat magkamali. Ang maalab na pagmamahal ni Kristo sa Simbahan ay nahahayag sa doktrina na hindi pagkakamali ng Santo Papa; na nangngahulugan na ang Santo Papa ay pinangangalagaan ng Diyos laban sa pagkakamali tuwing nagtuturo ng mga bagay na nauukol sa pananampalataya at matuwid na kaugalian. Paano nito naipapakita ang pag-ibig ni Kristo sa atin? Hindi Niya iniwan ang Kanyang Simbahan sa kadiliman! Ninais Niya na ang Kanyang mga doktrina ay matatag para ang Kanyang sambayanan ay magabayan sa katotohanan. Ang kaibuturan ng hindi pagkakamali ng Santo Papa ay ang katapatan kay Kristo. Ang lahat ng turo ng Simbahang Katoliko ay “Christocentric” – nakatuon kay Kristo, Siya ang sentro sa kanyang mga turo. Kung kaya’t ang Simbahang Katoliko ay hindi nagpapalit ng kanyang mga doktrina para umayon sa mga pagbabago sa lipunan at kultura. Ang Santo Papa ang tumutulong sa pagtaguyod at pananatili nang mga aral ni Kristo. Ipinangako ni Hesus Mismo sa atin, “Ako ay laging sumasainyo, hanggang sa katapusan ng panahon” (Mateo 28:20). Bilang pagpatotoo sa Kanyang pangako, biniyayaan ni Kristo ang Simbahan, sa loob ng 2,000 taon, ng walang patid na linya ng mga papa na nagtuturo nang walang kamalian na ipinagkaloob ni Kristo sa kanilang katayuan.
Bilang mga Katoliko, dapat ba nating tanggapin ang lahat ng itinuturo ng Simbahan?

Kung ibig mong sabihing ikaw ay Katoliko, nguni’t pinipili mo kung alin sa mga aral ng Simbahan ang iyong tatanggapin at ang iyong tatanggihan, binibigyan mo ang ibang nagsasabi rin na sila ay Katoliko, nang karapatan na mag-isip ng ganoon din. Halimbawa, naniniwala ka na ang kababaihan ay dapat maging pari … sa Katesismo ng Simbahang Katoliko (Catechism of the Catholic Church), sa talata 1577 nasasaad: “Ang isang binyagang lalaki lamang ang makatatanggap ng ordinasyon… Sa kadahilanang ito, ang ordinasyon ng kababaihan ay hindi posible!” Marahil naniniwala ka na ang kontrasepsyon ay tama. Isinasaad sa talata 2370 na ang kontrasepsyon ay lubos na masala. Kung pinipili mo na itapon ang ilang mga aral na ayaw mo, minamaliit mo ang kapahintulutang ibinigay ni Kristo sa Simbahang Katoliko, at sinisumulan mong sundin ang “katesismo ng iyong sariling simbahan” at hindi ang turo ng kay Kristong Simbahang Katoliko.

Kung hindi natin paniniwalaan ang lahat ng ito, kung bawa’t isa sa atin ay itatalaga ang sarili natin bilang Santo Papa at itapon ang doktrina dito o doktrina doon, ang ating paniniwala ay hindi na Katoliko. Oo nga, kung minsan ay mahirap sumunod sa mga aral ni Kristo at ng Simbahang Katoliko na nagpapatuloy sa Kanyang mga aral, ngunit tingnan lang natin yaong hirap ng pagsunod sa mga aral na iyon na parang mga ilaw trapiko na tumutulong sa paggabay sa ating paglalakbay upang makaiwas sa mga aksidente na sisira at hahadlang sa ating pamumuhay ng maligaya at puno ng biyaya.

Bakit hindi ko nararamdaman na ako’y natutulungan ng Simbahang Katoliko?

Nakalulungkot nga na ilan sa mga dating mga Katoliko ay nagpahayag ng kanilang kawalang-sigla sa kanilang buhay espiritwal. Maaaring dumadalo sila sa Misa tuwing Linggo at kita nilang sila ay “sumusunod lamang.” Maaaring hindi nila naramdaman na malapit sila sa Panginoon, o buong lugod na tinatanggap ng kanilang sariling parokya. Maaaring inisip nila na ang mga pagkanta ay hindi gaanong maganda, o natuklasan nila na ang mga taong nakapaligid sa kanila ay hindi pala-kaibigan na taliwas sa kanilang inaasahan. Sa kabuuan, ang mga damdaming iyon ang maaring nagbigay ng palaisipan sa kanila na sila ay hindi tumatanggap ng sapat na inspirasyon sa Simbahang Katoliko. Kung minsan, ang mga damdaming ito ang nagtataboy sa mga tao palayo sa Simbahan. Maaaring piliin nilang huminto at lisanin ang kanilang pananampalataya, o kaya’y lumipat sa hindi Katolikong Simbahan na mas masigla at mas magiliw ang pagsalubong. Ngunit ang kalutasan sa suliraning hindi pagdama ng tulong ay nakasalalay sa Simbahang Katoliko. Kahit na ang musika o pagtuturo o mga programa ay nasa tamang pamamaraang ating ninanais, o hindi kaya, sa Simbahang Katoliko lamang natin matatagpuan ang kaisa-isahan at natatanging lugar kung saan natin natatanggap ang Tinapay mula sa Langit: si Hesukristo, sa Banal na Eukaristiya. Ang pinakamalapit nating pakikipagtagpo kay Hesus ay sa pagbibigay Niya ng Kanyang Sarili sa atin, sa bawa’t Misa sa Eukaristiya.

Sa sandaling mapagtanto natin na ang ating pinakaaasam ay mapupunan lamang ng Eukaristiya, mamumulat an gating paningin na sa Eukaristiya natin matatagpuan ang tunay na buhay at sigla ng ating pananampalataya. Ang Simbahang Katoliko lamang ang nakakapagbigay ng pagkaing ito na nagpapabusog, at sa pagkaing ito lamang – ang Eukaristiya – ang magbubusog sa iyong kagutuman at magwawakas sa iyong kabalisahan.

“Lumapit sa Akin, kayong naghihirap at may mabigat na pasanin at kayo’y Aking pagpapahingahin.” (Mateo 11:28).

“Sinabi ni Hesus sa kanila, ‘Ako ang Tinapay ng Buhay; ang sinumang lumapit sa Akin ay hindi magugutom, at sinumang maniwala sa Akin ay hindi mauuhaw. Ako ang buhay na tinapay na bumaba sa langit; ang sinumang kumain ng tinapay na ito, ay mabubuhay nang walang hanggan; at ang tinapay na aking ibibigay para sa mundo ay ang aking laman” (Juan 6:35-51).

MAGHANAP NG PAROKYA NA BABALIKAN.

Kailangan ng gabay sa paghanap ng parokyang malapit sa inyo?

HANAPIN NGAYON