-
Sinasabi ng mga kaibigan kong Protestante na ang batayan ng kanilang simbahan ay ang Bibliya lamang, samantalang ang Simbahang Katoliko ay naglakip sa Salita ng Diyos nang sariling likha ng tao na mga tradisyon. Totoo ba iyon?
Hindi ito totoo. Ang mga Protestante ay may iisang tuntunin ng pananampalataya batay lamang sa Salita ng Diyos, na nasa Banal na Kasulatan. Ang Simbahang Katoliko ay may issang tuntunin ng pananampalataya hango sa Salita ng Diyos na nasa Banal na Tradition. May panahon sa kasaysayan na ang Salita ng Diyos ay nagsalin-salin sa pamamagitan ng mga usapan … and Banal ng Tradisyon. Sa bandang huli, may ilang bahagi ng Banal na Tradisyon ay naisulat … at ito ang naging Banal na Kasulatan, ang naisulat na tradisyon. Ngunit, ang Banal na Kasulatan mismo ang nagsasabi sa atin na hindi lahat ng sinabi at ginawa ni Hesus ay naisulat. At pakinggan kung ano ang sinasabi ni Pablo tungkol sa “tradisyon”:
2 Tesalonica 2:15, “Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, batay sa sinabi at isinulat namin.” Mga tradisyon! Mga tradisyong itinuro sa pasalin-salin na mga pahayag, sa ibang salita, pabigkas na tradisyon, at ang mga tradisyon na itinuro sa liham. Mga tradisyon na nagsasabi sa kanila na “magpakatatag at kumapit sa” Banal na Kasulatan at Banal na Tradisyon.
1 Mga Korinto 11:2, “Ipinagmamalaki ko kayo dahil naalala ninyo ako at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo.” Ang mga taga-Korinto ay pinupuri ni Pablo dahilan sa sinusunod nila ang mga tradisyon na itinuro niya sa kanila, ang Banal na Kasulatan at Banal na Tradisyon.
2 Timoteo 2:2: “Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba.” Dito sa 2 Timoteo ay ang isang pangyayari sa Banal na Kasulatan, na iniuutos ni Pablo ang paglipat ng pagbigkas na tradisyon.
1 Tesalonica 2:13: “Kaya lang, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral naming sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bias nito’y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya.” Kaya, tinanggap nila ang Salita ng Diyos na kanilang napakinggan, at hindi lamang sa mga nabasa nila sa Banal na Kasulatan.
Sa ibang salita, ang Bibliya ay malinaw na sumusuporta sa mga itinuturo sa Simbahang Katoliko na ang Salita ng Diyos ay nilalaman sa Banal na Kasulatan at sa Banal na Tradisyon.
-
Bakit ang Bibliya ng mga Katoliko at ng mga Protestante ay nagkakaiba? Sino ang pinakaunang nagtipon ng Bibliya?
Ang mga Katolikong Bibliya ay naglalaman – at laging naglalaman – ng lahat ng mga aklat ng Bibliya na tinanggap na katotohanan ng mga Kristiyano mula pa sa panahon ni Hesus. Itong mga kinalugdang mga aklat ay ganap na 46 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan. Ang mga Protestanteng Bibliya ay may pitong kakulangang mga aklat sa Lumang Tipan. Itong pitong aklat na nakahiwalay sa Protestanteng Bibliya ay Baruc, Sirac, 1 and 2 Macabeo, Tobit, Judith, at and Karunungan ni Solomon, ang mga bahagi ng Ester at Daniel. Itong mga aklat na ito ay tinanggihan ng mga Protestanteng Mangbabago sa panahong 1500 dahil may mga sangkap sa mga aklat na ito na hindi sangayon sa itinuturo ng Protestant tungkol sa teolohiya at mga doktrina. Subalit, bago mag ikalabing-anim na siglo, lahat ng mga Kristiyano ay gumamit ng mga Bibliya na naglalaman ng 46 na mga aklat sa Lumang Tipan. Sa unang siglo, nagkaroon ng maraming pagtatalo ang mga naunang Kristiyano tungkol sa kung ano ang bumubuo ng canon ng Banal na Kasulatan. Ang Simbahan, sa angking kapangyarihan ni Hesukristo at sa mga panuntunan ng Banal na Espiritu Santo (tingnan sa Ang Simbahan at and Pagkapapa), ay pinagsama-sama ang Bibliya sa kasalukuyang anyo nito.
-
Ako ay may guro sa teolohiya na nagsabi sa akin na si Adan at Eba ay mga kathang isip lamang, at ang iba pang bahagi ng Genesis ay puro mga alamat lamang. Iyon ba ang itinuturo ng Simbahan?
Hindi. Ang Simbahan ay laging nagtuturo na si Adan at Eba ay tunay na mga tao at sila ang mga kauna-unahang mga nilikhang tao kung kanino nagmumula lahat ng mga tao. Noong 1950, si Papa Pius XII, sa taludtod 37 ng isang liham mula sa Papa na may pamagat na “Humani Genesis”, ay nagsasaad na “ang mga mananampalataya ay hindi mayakap ang ganoong opinion na nagsasabing maaring matapos kayAdan, may mga tunay na mga tao na hindi nagmula kay Adan bilang mga unang mga magulang ng lahat, o kaya’y si Adan ay kumakatawan lamang sa ilang mga bilang ng mga naunang mga magulang.” Sa ibang salita, and Simbahan ay nagtuturo na ang sangkatauhan ay nagmula kay Adan at Eba. Kailangang maging totoo sila para mangyari yaon. Ang taludtod #38, ay nagsasaad: “Itong liham ng Santo Papa ay malinaw na nagsasaad na and unang 11 kabanata ng Genesis … ay nauukol sa kasaysayan sa tunay na walang muwang …” Muli, si Adan at Eba ay hindi mga kathang isip lamang, at ang iba pang bahagi ng Genesis ay hindi alamat. Yaon ay tunay na kasaysayan.
Taludtod #39: “Samakatuwid, anumang mga popular na salaysayin na maaring isiningit sa Banal na Kasulatan ay hindi dapat ipalagay na likhang isip o kahit anupaman …”
At making sa kung ano ang sinasabi sa Katesismo, Taludtod #375, “And Simbahan … ay nagtuturo na an gating kauna-unahang mga magulang, si Adan at si Eba …” Walang pinapahiwatig na likhang isip lang ito.
Taludtod #404: “Sa pagsuko sa manunukso, si Adan at si Eba ay nagkasala ng pansariling kasalanan.” Ang mga likhang-isip ay hindi nagkakasala ng pansariling kasalanan.
Si Adan at si Eba ay hindi mga likhang isip lamang. Ang Genesis ay hindi naglalaman ng likhang isip o ng alamat. Yaon ay itinuturo ng Simbahan. Kung mero’n mang nagsasabi ng ibang aral, hingan mo siya ng kasulatang nagmumula sa may mga kapangyarihan. Hindi nila magagawa iyon.
-
Sinabi ng isa kong kaibigan na ang kanyang simbahan ay nagpapaliwanag ng Bibliya ng ayon sa bawat salita, subalit ang Simbahang Katoliko ay hindi. Totoo ba iyon?
Walang katotohanan iyon. Ang mga Katoliko ay nagpapaliwanag ng Bibliya sa “literal” na pag-iisip, samantalang maraming mga Fundamentalist, mga Evangelical, atbp. ay nagpapaliwanag ng Bibliya sa “literalist” na pag-iisip. Ang “literal” na kahulugan ng isang talata ng Banal na Kasulatan ay ang kahulugan na ibig ipaabot ng sumulat ng talatang iyon. Ang “literalist” na pagpapaliwanag ng isang talata ng Banal na Kasulatan ay: “iyon ang sinasabi dito, at iyon ang kahulugan nito.”
Bibigyan kita ng isang halimbawa na magpapatunay ng kaibahan. Kung ikaw man ay nakabasa ng aklat na nagsasabing “umuulan ng mga pusa at mga aso sa labas”, papaano mo ipapaliwanag iyon? Bilang mga Pilipino sa ika-21 na siglo, alam mo na ang ibig ipahiwatig ng sumulat ay ang diwa na umuulan ng malakas. Iyon ang “literal” na pagkakahulugan … ang pagkakahulugan ng sumulat na ibig niyang ipahiwatig. Sa kabilang dako, papaano kung gumawa ka ng “literalist” na pagpapakahulugan ng panalitang, “umuulan ng mga pusa at mga aso”?
Ang “literalist” na pagpapakahulugan ay kung maglalakad ka sa labas, makakakita ka ng mga pusa at mga aso na bumabagsak mula sa langit na parang ulan. Hindi isasaalang-alang ang popular na pagtanggap ng kahulugan ng mga salitang yaon. Hindi isasaalang-alang ang ibig ipahiwatig ng sumulat. Ang mga salitang sinabi ay umuulan ng mga pusa at mga aso, kung kaya’t, umuulan nga ng mga pusa at mga aso! Iyon ang “literalist” o “fundamentalist” na pagpapakahulugan.
Kung sa 2000 taon sa darating pang mga panahon, at mayroong pumulot ng mismong aklat na iyon at nagbasa, “Umuulan ng mga pusa at mga aso sa labas,” upang maunawain ng wasto ang talatang iyon sa aklat, kakailanganin nila ang “literal” na pagpapakahulugan, hindi isang “literalist” na pagpapakahulugan. Ngayon, pag-isipan mo iyon kung sa pagpapakahulugan ng Bibliya 2000-3000 mga taon matapos ito ay isulat.
“Literal”, o Katoliko, pagpakahulugan laban sa “literalist”, o “fundamentalist”, na pagpapakahulugan.